Wanderlust

Isang mala-teleseryeng kaganapan. Mahal mo siya. Mahal ka niya. Problema niyo lang? Marami kayong nasagasaan: Pamilya mo, pamilya niya, barkada mo, barkada niya atbp. Oops, hindi ito gawang Shakespeare. Hindi kayo si Romeo at Juliet. Hindi ito kathang isip, katotohanan ito.

Read More

kaleidoscopicthoughts:

Minsan kasi naawa na ako sa sarili ko. Awang-awa ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Awang-awa ako dahil sobra na pasakit na ginagawa ko sa sarili ko. Alam mo yung ‘self-inflicted pain’? Alam kong ginagawa ko na yun eh. Hindi ko naman maibabalik ang nakaraan. Pero minsan, sa karami-rami ng na-aabsorb kung mga balita na hindi naman kaaya-aya, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman alam kung tama o may karapatan ako. Basta nasasaktan ako at naawa na ako sa sarili ko.

May nakita akong link sa facebook. Nagdedescribe yun sa status namin noon. Naalala ko siya at ako. Bakit hindi kami? Wala naman talagang ‘kami’. Dahil ako at siya lamang. 
Bigla ko siyang namiss. Namiss ko yung mga bola niya (Bolero yun eh!). Pero dahil mapride ako at hindi kaya ng pride ko na mamiss siya. Nagstatus ako (see above). Pilit kong sinasabi sa sarili ko na marami pang lalaki dyan sa mundo. Na kahit namimiss ko siya at nasasaktan ako, kayang-kaya kong tumayo at maglayag ng mag-isa.. Nasasaktan ako sa ginawa niyang panloloko sa akin eh. Pero alam kong keribits lang. Saklap ko no? Pero kaya ko to! Ako pa!
prettycolors:

#ffd645
Iba naman talaga ang mag-aral sa natuto. Maaring nag-aaral nga ang isang tao, ngunit hindi naman ibig sabihin na may natutunan ka. Ang pagkatuto ay isang proseso ng eksperiyens, kaya nga mas magandang matuto sa mga kamalasan sa buhay eh. Mas natatak kasi sa kukote. 
Should I?